Tuloy po kayo sa munting webpage/blog ng Bacoor Insider, ang palabang tagapamandila ng katotohanan at katwiran ukol sa mga nagaganap sa bayan ng Bakoor, Kabite.
Dahil halalan na naman ngayon, nais namin na makapaglingkod sa mga Bakoorenyo sa pamamagitan ng paggabay sa mga mamamayan sa kung sinu-sino ang dapat na iboto bilang mga bagong opisyales ng Bakoor (at sa Kabite na rin) at pagpapamulat ukol sa mga batayang isyu na dapat harapin at isa-alang-alang upang makapamili ng mga mamumuno sa susunod na tatlong taon. Bibigyan namin ng oportunidad na malathala ang mga isyu na nais itampok ng mga lalahok sa halalan bilang bahagi ng plataporma na siyang magiging batayan sa pagpili ng mamamayan.
Sa loob ng siyam na taon ay naging saksi na ang mga mamamayan ng Bakoor sa sinasabing kaunlaran nito na siyang nagpaangat sa estado nito bilang isa sa mga nangungunang bayan sa lalawigan ng Kabite. Ngunit naging saksi rin sila sa ibayong paglubog nito dahilan sa hindi-matugunang mga suliranin ng mga nakaupo, ilan na dito ay ang koleksyon ng basura, tumitinding sitwasyon ng trapiko at kaayusan, at talamak na korapsyon ng mga namumuno na nagresulta sa patung-patong na reklamo at ibayong pagpuna ng taumbayan sa kanilang umano'y mga nagawa, na labis na hindi ikinatutuwa ng mga residente.
Kaya sa mga susunod na araw ay ilalathala namin ang mga isyu at plataporma upang kahit sa aming munting paraan ay maging gabay kami upang makapamili ng mga susunod na lider, at makapaglathala rin ng mga balita ukol sa mga kaganapan sa bayan ng Bakoor bukod sa nalalapit na halalan. Bagkus, aming sasabihin na ang website/blog na ito ay parating

1 comment:
Good info.vote wisely Sakit.info
Post a Comment